Sa Araw ng ‘Yong Kasal

Ano kaya’ng gagawin ko, kapag dumating yung araw na naglalakad ka patungo sa altar sa simbahan. Suot-suot and puti at mahabang damit pangkasal. At ako… Nasa isang sulok hindi alam ang gagawin, nagsusumiksik ang puso sa loob habang ako nama’y nagsusumiksik din sa sulok ng aking kwarto. Habang inaantay ka ng iyong pinakamamahal na lumapit […]

Read more "Sa Araw ng ‘Yong Kasal"

Umuulan Na Naman

Ayun, umuulan na naman sa langit. Buti di pa ako binabaha, pero kaunti lang, malapit na. Malulunod na din ako. Okay lang ba? Baka may ginagawa ka. Nakakaabala pa ako sa’yo. Kung wala naman, sige, tuloy mo lang. Wala kasi akong magawa, kaya iniistorbo kita. Tanong ko lang, bumabaha din ba sa inyo? Siguro hindi. […]

Read more "Umuulan Na Naman"

Gising ka ba?

Naliligaw sa pag-ibig. Lagalag. Liham na walang patunguhan. Nagsasalita mag-isa. Gising ka pa ba? Marahil nananaginip ka na. Nararamdaman mo ba ito? Ang paghawi ng aking mga daliri sa iyong buhok, palayo sa iyong magandang mukha. Ang init na dulot ng aking yakap. Pakiramdaman mo. Ang aking paghinga sa hanging hinihinga mo rin. Ang tunog […]

Read more "Gising ka ba?"

Isa lang…

Hindi ko maintindihan. Puso kong nauulanan. Ng lungkot na galing sa kalangitan. Libu-libong karayom. Kelan ba ang paghuhukom. Sawa na nga ba akong mabuhay o sa pag-ibig lang ba ako umaayaw. Ayaw ko na lang muling masaktan, siguro. Hindi pa sumasara’t naghihilom mga dating sugat na hanggang ngayo’y humahapdi. Siguro ay kailangan ko lang kumawala […]

Read more "Isa lang…"

Bobo

Hindi ko maintindihan. Salita sa aking pandinig. Para bang matalinhaga o salitang galing sa ibang bansa. Nababaliw sa kakaisip at kakaintindi. Nababaliw sa ritmong mistulang mabangong bulaklak sa aking tenga. Napakasarap pakinggan. Pakiramdaman. Mali pala ako. Hindi ko dapat iniisip o iniintindi. Hindi utak o tenga ang kinakailangan. Puso lang pala, ayos na. Puso, gumagana […]

Read more "Bobo"

Korni

Mahal kita dahil hindi ko kayang lumayo sa’yo. Para kang kadenang nakapulupot sa aking katawan, pilit akong inuubusan ng hininga. Nakaharap ang aking mukha sa iyo. Magkalapit ang ating mga labi. Pero hindi naglalapat. May salamin sa pagitan. Pilit kumakawala sa yakap mo upang mayakap kita ng tunay. Kailangan kong layuan ka para magawa kong […]

Read more "Korni"

Sa mundo ko lang ba umuulan?

Nalulunod sa bawat patak na pilit sinasalo ng umiikot kong paningin. Hindi na makahinga sa dami ng tubig sa aking baga. Nakalunok na rin yata ako ng isda. Tila aquarium ang eksena sa labas ng aking bintana. May halamang nalulunod, nakikigaya sa akin. Pinipilit kong sumigaw ngunit walang nangyayari. Ayaw. Nalulunod sa bawat patak ng […]

Read more "Sa mundo ko lang ba umuulan?"