Isa kang malaking palabas na inuulan ng patalastas, wala ng mapanood sa pinilakang tabing na punit na sa mga gilid nito. Sa likod ay nakatayo ka at pinasisinagan ng yong lente ang kurtinang nakaharang sa kung ano ka, at kung sino ka. Isa kang malaking palabas na mapagbalatkayo, nakatago sa maskara ng pagtatanghal, ipinapakita lamang […]

Read more

Ikaw pa rin ang gusto kong yakapin paggising ko mamaya. Ikaw pa rin ang mamahalin ko sa pagmulat ng mga mata ko. Ikaw lang ang nais halikan at yapusin, hagkan sa bawat pagkakataon. Ang makasama sa bawat pagsikat ng umaga at pagkalaos nito sa hapon. Hanggang sa pagsapit ng dilim at ng hatinggabi hanggang sa […]

Read more

For the past years

For the past years, inibig ka ng puso kong hindi marunong umibig, nagmistulang sanggol na nag-aaral humakbang para lang makasunod sa bawat mong yapak at pag-indak sa sayaw ng pagmamahal. Inaalagaan ka at inaral na arugain ka sa kalinga ng mga bisig kong walang alam alalahanin kundi ang mga sarili nila. Tinignan ka na parang […]

Read more "For the past years"

Sa panaginip na lang

Parang mainit na kaldero ang buong paligid at ako’y nasa loob nito. Niluluto sa apoy na hindi naman nagniningas. Ni walang ilaw na nagmumula roon. Nasa ibabaw ang ilaw na nakakabit sa kuryenteng nagpapatakbo sa bintilador na maingay. Sumasaliw ang ingay na iyon sa tugtog ng gitarang kumakawala mula sa headset na nakasabit sa aking […]

Read more "Sa panaginip na lang"

Fireworks

Maingay ang paligid na aking nilalakaran. Maliwanag at maraming mukhang nagtatawanan at nagsisingiti. Habang sa itaas ay palabas ng mga paputok, napakulay at napakaganda. Parang mga bituing sumasabog at pagkalipas ay parang munting paruparong nagliliwanag ang nagsisibagsakan mula sa kalangitan.

Read more "Fireworks"

Gabi Na

Sobrang dilim, ni walang maaninag. Sa labas ng bintana, nakatingin. Maghahatinggabi na, wala ng ilaw na bukas. Naghahanap ng munting alitaptap na lumilipad sa mga puno o mga bituing nagkukubli sa ilalim ng mga ulap. Mga mata’y kusang pumipikit, inaantok. Nanlalabo, paningi’y nahaharangan ng mga luhang biglang nabuo sa pagdaan ng isang iglap. Napapikit lang […]

Read more "Gabi Na"

Sa Araw ng ‘Yong Kasal

Ano kaya’ng gagawin ko, kapag dumating yung araw na naglalakad ka patungo sa altar sa simbahan. Suot-suot and puti at mahabang damit pangkasal. At ako… Nasa isang sulok hindi alam ang gagawin, nagsusumiksik ang puso sa loob habang ako nama’y nagsusumiksik din sa sulok ng aking kwarto. Habang inaantay ka ng iyong pinakamamahal na lumapit […]

Read more "Sa Araw ng ‘Yong Kasal"

Umuulan Na Naman

Ayun, umuulan na naman sa langit. Buti di pa ako binabaha, pero kaunti lang, malapit na. Malulunod na din ako. Okay lang ba? Baka may ginagawa ka. Nakakaabala pa ako sa’yo. Kung wala naman, sige, tuloy mo lang. Wala kasi akong magawa, kaya iniistorbo kita. Tanong ko lang, bumabaha din ba sa inyo? Siguro hindi. […]

Read more "Umuulan Na Naman"

Gising ka ba?

Naliligaw sa pag-ibig. Lagalag. Liham na walang patunguhan. Nagsasalita mag-isa. Gising ka pa ba? Marahil nananaginip ka na. Nararamdaman mo ba ito? Ang paghawi ng aking mga daliri sa iyong buhok, palayo sa iyong magandang mukha. Ang init na dulot ng aking yakap. Pakiramdaman mo. Ang aking paghinga sa hanging hinihinga mo rin. Ang tunog […]

Read more "Gising ka ba?"